never after
Malipas ang isang taon na ang nakalipas nung huling blog ko dito.
alam kong mabait ka.
alam kong ayaw mo kong masaktan.
alam kong ayaw mong may masira.
alam ko naman na malaki yung mali ko, nag promise ako ndi ko naman tinupad. katangahan ko yun.
sana maintindihan nila at maintindihan mo kaya kita "sinolo" para mafeel mo na napaka-especial mo para sa akin.
hindi ba pumasok sa isip mo na napaka-meaningful/mahalaga yung gabing yon na naging disaster.
tsaka hindi ko naman inaasahan na maging disaster yung party. plinano ko ng maayos ang lahat para maging
masaya ka/tayo. sorry sa mga nagyari na hindi ka nais nais. ayaw ko man mag "moment" nung gabi pero naisip ko din na
kailangan na ng ma-settle ang lahat. naisip ko din na wala ng ibang time? opportunity para magkasama tyo ng tayong
dalawa lang. mali na kung mali dahil inambush kita e. e kelan ko pa masasabi ang lahat? kung kelan may isang
taong tatalo ulit sa akin. hindi ko rin magets kung bakit nagagalit sila, pedeng magtampo. bakit hindi nila ako
maintindihan at mapagbiyan itong minsan na tyong magkasama. wag naman sana silang masyadong manhid sa
mga nakikita nila . alam kong "spalding" ako at ang keso ko pero totoo naman e. alam kong hindi mo sinabi na
maghintay ako. maghihintay ako sabi ko. choice ko yun. kahit ano man ang mangyari. siguro
masaktan na kung masaktan. siguro ako lang itong nagpapaka-positive kahit lahat na nagsabi na wala na. move on.
sabi nila masasaktan lang ako at aasa. pero tangina. masaktan na talaga kung masaktan at least nag effort ako.
hindi ba maisip ng tao na hindi na din to katulad ng highschool na simpleng crush lang na lumilipas kung simpleng
crush lang to dapat sana hindi na ako nagkakaganito sa kanya. sana naman maintindihan nila ako.ganun ba
kahirap intindihin yung sitwasyon.
bulag lang ba talaga ako? o ako lang talaga yung manhid na makulit.
mali na kung mali. mahirap na kung mahirap. masaktan na kung masaktan. maghintay na kung maghintay.


